Mahigit 60 Pinoy ire-repatriate bunsod ng kaguluhan sa Haiti

Inaasahang nasa 63 na mga Pilipino sa Haiti, na nakararanas ng kaguluhan, ang pauuwiin sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Inaasahang nasa 63 na mga Pilipino sa Haiti, na nakararanas ng kaguluhan, ang pauuwiin sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, na mayroong 115 na Pinoy ang nasa Haiti.

Ang pagpapauwi umano ay naging posible matapos aprobahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang rekomendasyon para sa Alert Level 3 sa Haiti.

Sa ngayon, pinaplano pa ng DMW ang paraan kung paano isasagawa ang pagpapauwi sa mga Pinoy dahil wala umanong flight papunta sa naturang bansa.

Ang Haiti ngayon ay nakararanas ng kaguluhan dahil sa umiiral na violent gang activities.