Mahigit 4M botante ide-deactivate ng Comelec

Nakatakdang i-deactive ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit sa 4.2 milyong rehistradong botante.

Nakatakdang i-deactive ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit sa 4.2 milyong rehistradong botante.

Sinabi ng Comelec, ibabawas ang bilang na ito sa kabuuang 68 milyong registered voters.

Kabilang sa mga dahilan ng kanilang pag-deactivate ay pagkabigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan, inalis sa listahan base sa kautusan ng hukuman, kabiguang ma-validate, pagkawala ng Filipino citizenship, at napatawan ng pinal na sentensiya ng hukuman.

“4.2M voters will be deactivated. Hence deductible to the present total no. of voters of 68M,” saad ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Huwebes.

Samantala, pinakamaraming botante ang aalis sa Region 4A (Calabarzon) na nasa 733,903; habang sa Region 3 (Central Luzon) naman ay nasa 503,297 botante.