Mahigit 30 bilang ng mga nalunod sa Semana Santa – PNP

Umabot sa bilang na 34 ang mga nalunod ngayong Semana Santa, base sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

Umabot sa bilang na 34 ang mga nalunod ngayong Semana Santa, base sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

Karamihan ng mga kaso ay naitala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may 10 kaso; sinusundan ng mga Ilocos at Cagayan Valley na may anim na kaso bawat isa; at Bicol na may limang pagkamatay.

Ang pinakabata ay apat na taong gulang habang ang pinakamatanda ay 78 taon.

Samantala, base kay PNP information chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo, bukod sa mga insidente ay mapayapa naman ang paggunita sa Mahal na Araw.

“We are still on heightened alert status because we are expecting the return of millions of people from the provinces starting Sunday,” ani Fajardo.