Mahigit 1M botante rehistrado na para sa 2025

Mahigit isang milyon na ang bilang ng mga nakapagrehistrong bagong botante para sa 2025 midterm elections, batay sa ulat ng Commission on Elections (Comelec).

Mahigit isang milyon na ang bilang ng mga nakapagrehistrong bagong botante para sa 2025 midterm elections, batay sa ulat ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa datos ng Comelec, walang pang isang buwan mula opisyal na buksan ang voter registration noong Pebrero 12 ay umabot na sa kabuuang 1,027,572 ang rehistrado na.

Kamakailan lang ay inilunsad ng poll body ang kanilang proyektong “register anywhere” sa iba’t ibang establisyemento para magbigay ng suporta sa mga nais magparehistro.

Samantala, plano naman ng Comelec na maabot ang tatlong milyong newly registered voters hanggang Setyembre 30.