Maharlika fund to the rescue! Gobyerno, mamumuhanan sa NGCP via Maharlika fund para ayusin ang palpak na serbisyo–opisyal

Sakaling matuloy ang pamumuhunan ng MIC sa NGCP, kaagad na makakatulong ang pinakabagong kumpanya ng gobyerno sa bansa, na patuloy na nahihirapan magkaroon ng maayos at reliable na kuryente, ayon sa isang opisyal.

Susuportahan ng gobyerno ang pagpapalakas at pagpapaganda pa ng sektor ng enerhiya sa bansa sa pamamagitan ng paglagak ng puhunan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ayon kay Maharlika Investment Corp. (MIC) president and chief executive officer Rafael Consing Jr.

Sa isang pahayag, sinegundahan ni Consing ang panukala ni House Speaker Martin Romualdez na unang nanawagan sa MIC na aralin ang posibilidad ng pagbili ng sapi sa NGCP.

“The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) is the backbone of our nation’s power system, and its stability is inextricably linked to the Philippines’ economic and social well-being. I fully endorse Speaker Martin Romualdez’s proposal for the Maharlika Investment Corporation to strategically invest in NGCP,” punto ni Consing.

“This move holds immense potential to strengthen our energy sector and pave the way for a brighter future,” dagdag pa niya.

Sakaling matuloy ang pamumuhunan ng MIC sa NGCP, kaagad na makakatulong ang pinakabagong kumpanya ng gobyerno sa bansa, na patuloy na nahihirapan magkaroon ng maayos at reliable na kuryente, ayon pa sa opisyal.

“MIC can leverage its unique financial resources and development expertise to accelerate critical infrastructure upgrades, promote renewable energy integration, and improve overall grid efficiency,” paliwanag ni Consing.

Makakatulong ang MIC sa pagpapababa ng presyo ng kuryente at pagsisigurado na maaasahan ang grid na magbabahagi ng kuryente hanggang sa malalayong komunidad, ayon pa sa opisyal.

Pag-aaralan ng MIC ang plano upang makasigurong maayos ang magiging diskarte ng kumpanya sa kanilang pagpasok sa NGCP, aniya.

“Transparency and accountability must be paramount throughout the process to ensure efficient use of public funds and maximum benefit for the nation. However, the potential rewards are well worth the exploration,” sinabi ni Consing.

“Investing in NGCP through Maharlika is about investing in the Philippines’ future. It will be a bold step towards securing our energy independence, fueling economic prosperity, and ensuring a brighter tomorrow for every Filipino,” dagdag pa niya.