Mahalin natin ang Pilipinas: PBBM, hinimok ang mga Pilipino na gayahin ang ehemplo ni Rizal

Binigyang-diin rin ng pangulo na nagsimula ang kabayanihan ni Rizal nung kabataan pa lamang niya—bagay na kaniyang itinuloy sa pagpapakita ng matinding pagmamahal sa Inang Bayan.

Ngayong Araw ni Rizal, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na gayahin ang ehemplo ni Dr. Jose Rizal—partikular na ang kaniyang pagmamahal sa Inang Bayan.

“On the 127th Anniversary of the Martyrdom of Dr. Jose Rizal, I thus enjoin all of you to keep emulating the timeless values we can learn from his life and works,” saad ni Marcos sa kaniyang mensahe para sa paggunita sa pagkamatay ni Rizal.

“I also call on everyone to let the genuine love for the country that he lived out and later died for propel us to have a deep and personal sense of ownership for our land and our future…”

Saad pa ng pangulo, makatutulong ang paggaya sa ehemplo ni Rizal upang maresolba ang iba’t ibang problemang pinagdadaanan ng bansa at makagawa ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Binigyang-diin rin niya na nagsimula ang kabayanihan ni Rizal nung kabataan pa lamang niya.

“It began in his youth and childhood, when he embraced the wisdom of his family, teachers, and peers then, later on, embarked on a lifelong pursuit of excellence for a greater goal,” aniya.