Mahalagang kaalyado: PBBM, pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo, nakatakdang magpulong sa Enero 10

Tatalakayin nina Pangulong Marcos at Presidente Widodo ang lumalalim at lumalawak na ugnayan ng Pilipinas at Indonesia, na nakatakda ring gunitain sa Nobyembre ang ika-75 anibersaryo ng formal diplomatic relations ng dalawang bansa.

Nakatakdang magpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo nitong Enero 10 bilang bahagi ng official state visit nito sa bansa.

Mismong ang Malacañang ang nag-anunsiyo ng pulong ng dalawang pangulo isang araw matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Office (PCO) ang state visit ni Widodo mula Enero 9 hanggang Enero 11.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. is pleased to welcome His Excellency Joko Widodo, President of the Republic of Indonesia, for his upcoming official visit to the Philippines, scheduled on 9–11 January 2024,” anunsiyo ng PCO sa isang Facebook post.

“President Marcos Jr.’s meeting with President Widodo on 10 January 2024 is anticipated to take stock of the progress in Philippines-Indonesia relations following the successful state visit of President Marcos Jr. to Indonesia on 4–6 September 2022,” dagdag pa nito.

Ayon rin sa PCO, tatalakayin nina Marcos at Widodo ang lumalalim at lumalawak na ugnayan ng Pilipinas at Indonesia, na nakatakda ring gunitain sa Nobyembre ang ika-75 anibersaryo ng formal diplomatic relations ng dalawang bansa.