Mahaba-habang tulungan: Japan, tuloy lang ang suporta samga PH transport projects

Sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency ay tinutulungan ng gobyerno ng Japan ang Pilipinas sa mga transportation projects nito, gaya nang paggawa asa Metro Manila Subway. Ang pagtulong na ito, ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ay magpapatuloy kahit pa mag-iba ang administrasyon ng bansa.

Patuloy na susuportahan ng gobyerno ng Japan ang mga transportation projects ng Pilipinas kahit pa iba na ang administratsyon.

Ito ang paniwala ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na pinapurihan ang 67-taong diplomatic relations nang Pilipinas at Japan sa ika-50 anibersaryo ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines.

“We would like to believe the Department of Transportation is at the forefront of sustaining the harmonious relations between our two countries primarily through support to game-changing transport infrastructure projects,” pahayag ni Bautista.

Sa kasalukuyan, aabot na sa P1.5 trilyon ang ibinigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Pilipinas, na ginagamit naman para sa mga proyekto gaya ng North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway, Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension, at Metro Rail Transit Line 3 rehabilitation.

Pinopondohan rin ng JICA ang pag-upgrade sa Communication, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management System ng bansa, pati na rin ang konstruksiyon ng Bohol-Panglao International Airport.