Mahaba-haba ito ‘pag nabuo: Tulay na nagdurugtong sa Bataan at Cavite, sisimulan na

Tatahak sa Manila Bay ang nasabing Bataan-Cavite Interlink Bridge, na gagamit ng makabagong teknolohiya at modernong materyales. Inaasahan iibsan nito ang matinding trapik sa Metro Manila.

Nakatakdang simulan ang paggawa sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) matapos makakuha ng inisyal na pondo para rito ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa oras na mabuo, ang BCIB ay magiging isa sa pinakamahabang marine bridge sa mundo na may habang 32.15 kilometro. Ang inisyal na pondo para sa proyekto ay manggagaling sa $2.11-bilyong loan ng pamahalaan mula sa Asian Development Bank (ADB).

Ayon kay Finance Secretary Benjamin E. Diokno, bababa sa 45 minuto na lamang ang oras ng biyahe mula Bataan hanggang Cavite (o Cavite hanggang Bataan) mula sa limang oras pag nakumpleto na ang BCIB at binuksan na sa publiko. Iuugnay rin nito ang Metro Manila, Gitnang Luzon, at mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

“The improved transport connectivity will promote deeper regional economic integration and spur economic activity within NCR, CALABARZON, and Central Luzon,” paliwanag ni Diokno.

Tatahak sa Manila Bay ang nasabing tulay, na gagamit ng makabagong teknolohiya at modernong materyales.