Magtatago si Luna: Lunar eclipse makikita sa katapusan ng Oktubre, ayon sa PAGASA

Inanunsiyo ng PAGASA na magkakaroon ng partial lunar eclipse at dalawang klase ng meteor shower sa buwan ng Oktubre, at pawang makikita ang mga ito kahit walang espesyal na aparato.

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring makita ng publiko ang iba’t ibang astronomical events ngayong Oktubre, kabilang na ang isang partial lunar eclipse sa Oktubre 29.

Ayon sa PAGASA, ang partial lunar eclipse ay maoobserbahan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ito ay tatagal ng 1 oras at 19 minuto.

“We recommend to look at the western sky in the early morning hours of Oktubre 29,” sabi ng PAGASA, na inirekomenda rin ang paggamit ng binoculars upang mas makita ang lunar eclipse.

Dagdag pa ng PAGASA, magkakaroon rin ng “Draconid Meteor Shower” mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 10 at ng “Orionid Meteor Shower” mula Oktubre 2 hanggang Nobyembre 7.

Makikita rin umano ang mga meteor shower kahit walang gamit na aparato.