Magtataas? Marcos pinasilip minimum wage sa buong bansa

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na i-rebyu ang minimum wage na ipinapatupad sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na i-rebyu ang minimum wage na ipinapatupad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ang panawagan ni Marcos kasabay ng paggunita sa Labor Day ngayong Miyerkoles.

“As president, I call on the Regional Tripartite Wage and Productivity Boards to initiate a timely review of the minimum wage rates in their respective regions, with due consideration to the impact of inflation among others, within 60 days prior to the anniversary of their latest wage order,” saad ng pangulo.

Kinalampag din ng pangulo ang National Wages and Productivity Commission na siyang namamahala sa mga RTWPB na siguraduhin ang pagsilip sa kinikita ng mga ordinaryong manggagawa.

Sa kanyang talumpati, umapela rin si Marcos sa Kamara na magpasa ng mga batas na susuporta sa agenda ng administrasyon hinggil sa paglikha ng trabaho.