Magsasaka pinatay ng sariling kalabaw sa Northern Samar

Todas ang isang magsasaka matapos siyang atakehin ng kanyang alagang kalabaw.

Todas ang isang magsasaka matapos siyang atakehin ng kanyang alagang kalabaw.

Nasawi si Alvin Pagaban, 42, residente ng Las Navas, Northern Samar nitong Martes, May 14.

Ayon kay investigator Police Staff Sergeant Rowenda Cesista, inatake ang magsasaka ng kalabaw dahilan para magkaroon ito ng tama sa kanyang katawan.

Dinala ito sa rural health unit ng Barangay Geguinta ngunit dineklara din itong dead on arrival.

Ayon sa pulis, ito ang unang kaso ng pagkamatay ng tao dahil sa pag-atake ng isang hayop sa kanilang lugar.