Magsasaka, patay matapos suwagin ng alagang kalabaw

Naghurumentado ang kalabaw at sinugod ang kanyang may-ari na naglalakad papalayo sa hayop.

CATANDUANES- Patay ang isang magsasaka sa Barangay Calatagan, Tibang, Virac makaraang suwagin ng alagang kalabaw alas-10:30 nitong Martes, Setyembre 26, 2023.

Kinilala ang biktimang si Henry Tablate Cielo, 65-anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng Virac Municipal Police Station na si Police Staff Sergeant Renen Delos Reyes, ayon diumano sa pahayag ng nakakita, habang may inaayos ang biktima, bigla na lamang umanong nagwala ang kalabaw at sinuwag ang biktima kung saan nakaladkad pa ito ng ilang metro.

Naidala pa sana sa ospital ang biktima subalit namatay rin kinalaunan.