Magsara na kayo! Ulat ng paggastos sa travel fund ni Romualdez, ibinalita kahit hindi beripikado, inamin ng SMNI anchor sa Kamara

Tila napakababa naman ata ng panuntunan ng network sa pamamahayag nang payagan nito ang pag-ere ng halaga ng travel fund ni House Speaker Martin Romualdez, kaya maugong pa rin ang panawagang kanselahin ang prangkisa nito kung magkakalat lang ng fake news.

Humingi ng dispensa ang isang anchor ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa pag-uulat sa diumanong P1.8 bilyong travel fund na ginastos ni House Speaker Martin Romualdez.

Inamin ni SMNI program anchor Jeffrey Celiz na hindi sumailalim sa verification ang impormasyon na natanggap nila tungkol sa paggastos ng sa byahe ni Romualdez.

“We are very much willing to admit that, indeed, the source was wrong. In this committee hearing, we are very appreciative of the guidance provided by the data,” ani Celiz sa pagdinig.

Iginiit pa ni Celiz na walang intensyon ang network na bastusin ang kapulungan sa pagpapalabas ng ulat, ngunit sinabi nito na nasa “editorial authority” nila ang paglalathala ng balita.

“Without any intent of malice or imputing any sign of disrespect to the Speaker of the House because we presume it is part of our editorial authority and policy as well to open questions pertaining to public interest issues,” aniya.

“If that will heal the wound of the degree of insult that was forwarded to Congress, if that will be the effect, it is not a problem for me personally because it is our job to point out mistakes but it is also our duty to ask questions… Yes sir, my answer is on the affirmative,” giit pa ni Celiz.

Bagaman binitawan ng anchor ang mga salitang ito, hindi pa rin lusot ang network sa posibleng epekto ng kanilang maling pag-uulat sa prangkisang iginawad sa kanila ng Kongreso.

Pinaiimbestigahan ng plenaryo ng Kamara ang SMNI matapos masangkot ito sa mga pagkakalat ng fake news at red-tagging ng mga indibidwal na sumasalungat sa kanilang pananaw.