Magreretiro na! Zubiri ‘di raw tatakbo sa 2028

Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Lunes na wala na siyang balak tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino sa 2028.

Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Lunes na wala na siyang balak tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino sa 2028.

Ito ang isiniwalat ni Zubiri kaugnay ng resulta ng Pulse Asia vice presidential survey kung saan nakakuha siya ng 7 percent na iskor.

“[T]o dispel any rumors that may arise, I would like to make it clear that I will not be running for any public office in 2028, and I am in fact contemplating on my retirement from almost 30 years of politics,” saad ni Zubiri sa isang pahayag.

Gayunman, nagpasalamat ang senador sa tiwala na nakuha niya sa naturang survey.

“Whatever survey results showing positive reviews for me and for our institution is a testament to the Senate’s undying desire to render quality service to our people,” dagdag pa niya.

Aniya, pagbubutihin niya ang trabaho bilang Senador sa natitirang apat na taon niya sa serbisyo.

Bago maging senador ay naging kinatawan si Zubiri ng ikatlong distrito ng Bukidnon mula 1998 hanggang 2007.