Magplano na ng mga bakasyon: Holidays para sa 2024, inilabas na ng Malacañang

Batay sa inilabas na listahan ng Malacañang, 10 ang opisyal na holiday sa 2024, samantalang 8 naman ang special nonworking holiday.

Inilabas na ng Malacañang nitong Biyernes, Oktubre 13, ang opisyal na listahan ng mga holiday para sa taong 2024.

Batay sa Proclamation No. 368 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, opisyal na holiday ang mga sumusunod:

• January 1 – New Year’s Day

• March 28 – Maundy Thursday

• March 29 – Good Friday

• April 9 – Araw ng Kagitingan

• May 1 – Labor Day

• June 12 – Independence Day

• August 26 –National Heroes Day

• November 30 – Bonifacio Day

• December 25 – Christmas Day

• December 30 – Rizal Day

Special nonworking holiday naman ang mga sumusunod:

• February 10 – Chinese New Year

• March 30 – Black Saturday

• August 21– Ninoy Aquino Day

• November 1 – All Saints Day

• November 2 – All Souls’ Day

• December 8 – Feast of the Immaculate Conception of Mary

• December 24 – Christmas Eve

• December 31 – New Year’s Eve