Magparaya na kayo, please: LTO, nakiusap na sa Allcard na tapusin na ang kaso sa plastic card

Hinimok ni LTO chief Vigor Mendoza II ang Allcard Inc. na magpakumbaba at magsakripisyo alang-alang sa milyong-milyong Pilipinong naaapektuhan sa wala tigil nitong pagharang sa bagong supplier ng ahensiya.

Umapela na si Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II sa Allcard Inc. na tapusin na nito ang kaso laban sa ahensiya at Banner Plasticard Inc. dahil matetengga nanaman ang pag-print ng mga mga driver’s license.

Sa isang pahayag nitong Martes, Oktubre 24, sinabi ni Mendoza na ang binabang writ of preliminary injunction ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) para piligilan ang Banner Plasticard Inc. sa pag-supply ng mga plastic card ay pipigil rin sa “hope for normalcy” ng milyong-milyong Pilipino na naghihintay ng kanilang driver’s licencse.

“I personally extend my appeal to Allcard, Inc. not to pursue the case it filed anymore for the sake of the Filipino people who are at the core of both our mission and vision to have easier and convenient way of life through reliable technology platforms,” dagdag pa ni Mendoza.

Bagaman naibaba na ang write of preliminary injunction, kailangan pa rin magbigay ang Allcard ng P6 milyon bilang injunction bond para sa implementasyon nito.

Kaugnay nito, hinimok niya ang Allcard, na dating supplier ng LTO, na magpakumbaba “para sa kapakanan ng milyong-milyon nating mga kababayan.”