Magpaliwanag kayo ngayon! Delivery riders, inireklamo ang Grab sa DOLE

Nagwelga na noong Oktubre 24 ang ibang mga riders ng Grab dahil sa diumano'y mga unfair labor practices nito.

Pormal nang inireklamo ng isang grupo ng delivery riders ang Grab Philippines dahil sa mga unfair labor practices nito umano.

Nagsampa sa Department of Labor and Employment ng pormal na reklamo ang National Union of Food Delivery Riders (NUFDR) matapos suspendihin diumano o tanggalin na ng tuluyan ang ibang mga rider dahil sa pagprotesta sa fare restructuring program na ginawa ng kumpanya.

Ayon sa NUFDR, binago ng Grab ang fare structure nito, kung saan binaba ng kumpanya ang base fare para food delivery mula P45 pababa sa P35. Samantala, ibinaba rin nito ang per-kilometer rate mula P10 pababa sa P7.

“Many delivery riders have voiced their disappointment with Grab Philippines, emphasizing that instead of addressing their concerns, the company resorted to suspensions and bans,” saad ng NUFDR sa isang press release.

Dagdag pa ng NUFDR, nakatanggap na ito ng mahigit 50 na reklamo mula sa mga riders na kontra sa mga ipinatupad ng pagbabago ng Grab.

Matatandaang nagwelga na noong Oktubre 24 ang ibang mga riders ng Grab dahil sa diumano’y mga unfair labor practices nito.