Magpaka-disente ka! VP Sara dapat magbitiw sa DepEd – solon

Nanawagan si Manila Rep. Joel Chua kay Bise Presidente Sara Duterte na bitawan na ang kanyang posisyon sa gabinete ng administrasyong Marcos.

Nanawagan si Manila Rep. Joel Chua kay Bise Presidente Sara Duterte na bitawan na ang kanyang posisyon sa gabinete ng administrasyong Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Chua na dapat nang ipakita ni VP Sara kung saan ba talaga siya papanig. Kaugnay ito ng pagbanat ng kanyang amang si ex-president Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Nearly two years after assumption to the Office of the Vice President, it is time for accountability for VP Sara Duterte and the Duterte family,” wika ng solon.

“The Vice President should show some decency by resigning from her DepEd post at the very least,” aniya pa.

Isa pa sa inihirit ni Chua laban kay VP Sara ay ang pagiging tikom nito sa isyu ng West Philippine Sea at kakulangan ng aksyon sa problema ng sektor ng edukasyon.

“She should draw the line instead of pretending to be a full partner of the President,” saad pa ng mambabatas.

“She cannot have the best of both worlds by being a fence sitter while her family and their allies challenge the authority and mandate of President Ferdinand Marcos Jr. while having little to show for in terms of substantive results at the Department of Education, where she is Secretary,” dagdag pa ni Chua.

Matatandaang si VP Sara ang running mate ni Marcos noong eleksyon. Binuo ng dalawa ang platapormang naka-sentro sa pagkakaisa.