Magnanakaw nagbenta muna ng kape sa niloobang tindahan

Kakaiba ang naging istilo ng isang lalaki sa panloloob sa isang tindahan sa Tipas, Taguig City dahil nagbenta muna ito ng kape para hindi mahalata sa kanyang krimen.

Kakaiba ang naging istilo ng isang lalaki sa panloloob sa isang tindahan sa Tipas, Taguig City dahil nagbenta muna ito ng kape para hindi mahalata sa kanyang krimen.

Nadakip nitong Biyernes ng gabi ang isang 20-anyos na lalaki na nakuhanan ng CCTV na nanloob ng isang tindahan habang tanghaling tapat.

Sinakto ng suspek na walang tao sa tindahan nang pasukin niya ito, at tinangay P500 at cellphone na nagkakahalaga ng P6,000.

Ayon naman sa kwento ng mga testigo, hindi nahalata na magnanakaw ang lalaki dahil nagbenta pa ito ng kape.

Samantala, nadakip naman ang suspek sa Bonifacio Global City nang hulihin siya ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Hinanapan umano ng papeles ng motor ang lalaki ngunit walang naipakita. Bukod pa rito, napansin din ng pulisya na hindi mabuksan ng suspek ang dala nitong cellphone. Dito na nagtaka ang pulisya hanggang sa malaman nilang nagtugma ang motor at kasuotan ng lalaki sa nanloob sa tindahan ni Naval.

Umamin din ang suspek sa nagawa nitong krimen. Nahaharap siya ngayon sa kasong theft.