‘Magnanakaw’ ang dating maybahay! Claudine Barretto, pursigidong bawiin ang milyones na ‘nakulimbat’ ni Raymart Santiago

Hindi pinangalanan ni Barretto ang tinukoy niyang “magnanakaw,” subalit naging maybahay niya ang aktor na si Raymart Santiago mula 2006 hanggang 2013. Siya rin ang ama nina Sabina at Santino.

Pursigido ang aktres na si Claudine Barretto na bawiin ang tinatayang P116 milyon na aniya ay ninakaw ng kaniyang dating maybahay.

Iyan ang sinabi niya sa isang panayam kay Luis Manzano sa kanyang YouTube channel kamakailan.

“We’re talking about hundreds of millions na. Ang iniwan sa akin was P25,000. Sa isang bangko pa lang was, like, P116 million. Isang bangko pa lang ‘yun. And iniwan was P25,000,” kwento ni Barretto kay Manzano. “And I don’t know kung bakit kahit na or whatever, dapat sinasabihan ka ng bangko, ‘di ba?”

May ibinalik naman daw ang ex-husband niya, subalit P7 milyon lang. Dagdag pa niya, ayaw niyang matulad ang mga anak niya sa kaniyang dating maybahay, na tinawag niyang “magnanakaw.”

“Kasi, ayoko siyang matulad sa parang na, you know, ‘yung tatay ng mga anak ko magnanakaw. Ayoko, ayoko. Kaya hindi ko nilaban ‘yung pera noon,” saad niya.

Aniya, nasa korte na raw ang laban.

Sinabi rin niya kay Manzano na binabawi na niya ang milyones niya dahil lumalaki na ang gastusin ng mga anak niya.

“Ngayon, since malaki na ang mga anak ko, Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent and alam naman natin kung gaano kamahal ‘yun,” sabi ni Barretto. “So, parang since hindi niya nabibigay ‘yung support na in-order ng court, hindi nasusunod. Parang ‘yun ‘yung sinasabi ng mama na ‘Ipaglaban mo.’”

Hindi pinangalanan ni Barretto ang tinukoy niyang “magnanakaw,” subalit naging maybahay niya ang aktor na si Raymart Santiago mula 2006 hanggang 2013. Siya rin ang ama nina Sabina at Santino.