Magkakampi mula noon: Pulong nina PBBM at VP Harris, mas palalakasin ang ugnayan ng Pilipinas at US—Romualdez

Bukod sa pagpapakita ng magandang ugnayan ng dalawang bansa, papalakasin rin nito ang pagtutulungan nila pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa West Philippine Sea.

Ang katatapos lamang ng pulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris ay patunay lamang na sanggang dikit talaga ang Pilipinas at Estados Unidos.

Iyan ang basa ni House Speaker Martin Romualdez sa bilateral meeting ng dalawang pinuno, na ginanap bago ang APEC Conference sa San Francisco, California.

“The successful bilateral meeting between President Ferdinand R. Marcos, Jr. and US Vice President Kamala Harris, a testament to the enduring strength of the alliance between the United States and the Philippines,” sabi ni Romualdez sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 17.

Kabilang si Romualdez sa delegasyong kasama ni Marcos para sa naturang conference.

Aniya, bukod sa pagpapakita nang magandang ugnayan ng dalawang bansa, papalakasin rin nito ang pagtutulungan nila pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa West Philippine Sea (WPS).

“Of paramount importance is the reaffirmation during their meeting of our shared commitment to upholding international rules and norms, particularly in the South China Sea,” dagdag ni Romualdez.

Ang nasabing pulong ay kasunod lang ng mga insidente sa WPS sa pagitan ng China at Pilipinas.