Magkakaibang mensahe, tradisyon ng mga bata ni Du30! – De Lima

Muling inihayag ni ex-senator Leila de Lima ang kanyang pagkamuhi sa administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng magkaibang kwento nina Atty. Sal Panelo at Atty. Harry Roque hinggil sa tinaguriang 'gentleman's agreement.'

Muling inihayag ni ex-senator Leila de Lima ang kanyang pagkamuhi sa administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng magkaibang kwento nina Atty. Sal Panelo at Atty. Harry Roque hinggil sa tinaguriang ‘gentleman’s agreement.’

Nitong Lunes ay lumutang si Panelo upang sabihing hindi totoo na may ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni Duterte at ng China. Taliwas ito sa unang sinabi ni Roque.

Sina Panelo at Roque ay parehong nagsilbi bilang tagapagsalita ni Duterte noong kanyang termino bilang pangulo.

“Two years after they left office, the Duterte Cabinet continues its tradition of disorganization, incompetence & confusion. Now Panelo is saying there was never a ‘gentleman’s agreement’ between Duterte & Xi Jinping, after Roque said there was & that because BBM is not living up to this secret agreement, the PH will lose Ayungin,” saad ni de Lima sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Dugtong pa ni de Lima, hindi na mahalaga kung sino kay Panelo o Roque ang nagsasabi ng totoo.

“These being Duterte’s men, there is no hope in getting any clear message or straightforward answer from them. But it does not matter. The only thing that matters is we know they are all traitors & will sell us for 30 pieces of silver. Mga Hudas sila sa Pilipinas at sa lahat ng mga Pilipino,” dagdag pa ng dating mambabatas.