Magkakahiwalay na aksidente sa kalsada, naitala sa Bicol

Sugatan ang mga biktima sa mga naturang disgrasya, at muling nanawagan ang mga awtoridad sa mga motorist ana mag-ingat habang nagmamaneho sa kalsada.

DARAGA, ALBAY – Sugatan ang dalawang motorista matapos na magkasalpukan sa Barangay Anislag alas-6:10 ng gabi nitong Disyembre 18, 2023.

Ayon kay Staff Sgt. Marian Jess Rico, ang tagapagsalita ng Daraga PNP, papunta sana ang isang imbweltong motorista sa Daraga ngunit nakain nito ang kabilang linya rason upang mabangga nito ang kasalubong na motorista na papuntang probinsya ng Sorsogon na nauwi sa kanilang pagkakaaksidente.

Sa parehong bayan, sugatan din ang isang babae nang maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Barangay Peñafrancia nitong nakaraang linggo, Desyembre 17, 2023.

Sa bayan ng Manito, Albay , sugatan din ang dalawang lalaki matapos na magbanggaan ang minamanehong tricycle at van sa kalsadang nasasakopan ng Bagong Sirang ,Tinapian ,kahapon.

Sa Virac , Catanduanes, maswerte nalang na walang nasaktan sa pagkakabangga ng isang trak sa isang bahay sa gilid kalsada ng Barangay Tubaon.

Sa inisyal na impormasyon, habang binabaybay ang pababang porsyon ng kalsada, ng mawalan di umano ng preno ang driver ng trak rason sa kanyang pagkakaaksidente. Hindi naman na nakaabot pa sa kaalamang ng otoridad ang pangyayare.

Sa Bulan , Sorsogon, sugatan din ang 20-taong gulang (20) na motorista ng maaksidente sa Barangay Gate kahapon, Disyembre 18, 2023.

Agad namang nabigyan ng tulong ang biktima at naidala sa ospital.

Sa Pilar, ng parehong probinsya, sugatan ang dalawang lalaki matapos na maaksidente sa sinasakyang motorsiklo, alas-9:20 ng gabi nitong nakaraang sabado.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa dalawang biktima.

Sa Tigaon, Camarines Sur, sugatan ang dalawang motorista maging ang kanilang mga backride ng magbanggaan sa kalsada ng barangay San Antonio nitong nakaraang sabadong gabi, Desyembre 17, 2023.

Dahil sa mga aksidenteng ito, patuloy pa rin ang pakiusap at paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na mag-doble ingat sa pagmamaneho kahit na nagmamadali sa paghahanda ngayong Yuletide season lalo pa ngayon na madulas ang kalsada dahil sa mga pag-uulan.