‘Magkaisa tayo’ – Romualdez sa mga ahensya para maabot murang bigas

Nanawagan si House Speaker Martin G. Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapabilis na gawing abot-presyo ang bigas sa bansa.

Nanawagan si House Speaker Martin G. Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapabilis na gawing abot-presyo ang bigas sa bansa.

Inapela ito ni Romualdez sa harap ng mga mambabatas, representante ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Bureau of Customs (BOC), kasama ang ilang malalaking retail store sa isinagawang meeting sa Makati Golf and Country Club sa Makati City.

“The President is doing everything in his power to bring down the price of rice and make them available to millions of Filipinos in all parts of the country. It is now our obligation to work together and adopt a whole-of-nation approach to make this possible,” ani Romualdez.

“Our general direction: Quality, affordable rice, always,” dagdag pa niya.

Ayon kay Romualdez, limitado lamang ang naseserbisyuhan ng mga Kadiwa outlets na nag-aalok ng P29 kada kilo ng bigas at limitado lang din ang suplay.

“What we envision is not only to make affordable rice available in Kadiwa Centers, but make quality affordable rice to the general public. In all markets, in all parts of the country, all the time,” aniya.

Nauna napababa ng Kamara sa pamumuno ni Romualdez at ng Pamahalaang Marcos ang taripa sa bigas sa anila’y isang malaking hakbang upang mas mabilis na mapababa ang presyo ng mga bilihin.