Magkaalyado sa hirap at ginhawa: Pilipinas, handang tumulong sa kahit anong paraan para sa kaibigang Japan — PBBM

Apat na ang kumpirmadong patay sa lindol na naganap sa Japan nitong Bagong Taon, habang may mga mangilang indibidwal rin ang napaulat na na-trap sa mga gumuhong gusali.

Nagpaabot ng simpatiya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan matapos yanigin ang Ishikawa Prefecture nito ng 7.6-magnitude na lindol nitong Bagong Taon mismo.

“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year’s Day,” saad ni Marcos sa isang post sa X (dating Twitter).

Tiniyak rin ng pangulo sa parehong post na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Japan upang masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipino roon.

BASAHIN RIN: Ingat po, mga kabayan! Higit 1K na Pilipinong nakatira sa Ishikawa Prefecture sa Japan, ligtas sa lindol—DFA

Kasabay niyan ay nag-alok rin si Marcos ng tulong sa Japan, na bahagi rin aniya ng Pacific Ring of Fire gaya ng Pilipinas.

“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” dagdag pa ng pangulo.

Apat na ang kumpirmadong patay sa naturang lindol, habang may mga mangilang indibidwal rin ang napaulat na na-trap sa mga gumuhong gusali.