Maging patas sana: PBBM umaasang patas ang appeals process kaugnay sa kaso ni Ranara

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging patas ang appeals process sa kaso ni Jullebee Ranara upang ganap nang makamit ng pamilya ni Ranara ang tunay na katarungan.

Bagaman hinatulan na ng Juvenile Court of Kuwait nang parusang 15 taong pagkakakulong si Turki Ayed Al-Azmi kaugnay sa karumaldumal na panggagahasa at pagpatay sa overseas foreign worker na si Jullebee Ranara, ito ay may 30 araw pa rin upang iapela ang desisyon.

Kaugnay nito, umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging patas ang nasabing proseso upang ganap nang makamit ng pamilya ni Ranara ang tunay na katarungan.

“We hope that the appeal process will be conducted fairly, and justice will be served accordingly,” pahayag ni Marcos sa isang post sa kanyang X (dating Twitter) account.

Samantala, binigyang puri naman ng pangulo ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers, at ang Kuwaiti authorities sa agaran nilang aksiyon upang maresolba ang kaso ni Ranara.