Maging maingat sa scammer! PAL, nagbabala sa publiko ng bagong modus sa cargo shipment

Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa bagong scam kung saan kinokontak ng mga kawatang ang mga indibidwal gamit ang social media at pinagbabayad ng mga cargo shipment na para sa kanila umano at isinama lang sa isang flight ng PAL.

Nanawagan ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko nitong na mag-ingat sa bagon scam na may koneksyon sa mga pekeng domestic cargo shipments.

Paliwanag ng pamunuan ng PAL, may mga scammers ngayong nagpapadala sa mga indibidwal ng mensahe sa social media upang himuking silang bayaran ang mga cargo shipments raw na para sa kanila na isinama sa isang flight ng PAL.

Dagdag pa ni PAL spokesperson Cielo Villaluna, nagpepresinta pa diumano ng mga pekeng dokumento ang mga nasabing scammer bilang patunay na totoo nga ang mga sinasabi nilang cargo shipment

“These are totally bogus. No such cargo shipments exist, and any related online payments will surely go to fraudsters,” paalala ni Villaluna.

Nakiusap rin si Villaluna sa publiko na huwag makikipagtransaksiyon sa mga indibidwal na wala namang lehitimong koneksiyon sa PAL. Bagkus, dapat siguraduhin legitimate cargo agents at shippers lamang ang katransaksiyon para sa kung anumang air cargo transactions.