Maging mahinahon sa singilan: Kamara, isusulong ang batas laban sa abusive practices ng debt collectors

Isinusulong ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang House Bill (HB) No. 8741 na maglalayong wakasan ang mga abusive practices ng mga debt collectors sa bansa.

Isusulong na sa Kamara ang isang batas na maglalayong itigil ang mga abusive practices ng mga debt collectors at creditors.

Ito ay matapos isulong ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang House Bill (HB) No. 8741 na maglalayong pangalagaan ang mga karapatan ng may utang, na ang tanging proteksyon lamang ay ang Article 287 ng Penal Code.

“There is abundant evidence of the widespread use of abusive, deceptive and unfair debt collection practices by many creditors and debt collectors,” paliwanag ng explanatory note ng HB 8741.

Ipinaliwanag rin sa explanatory note ng HB 8741 na ang mga mapang-abusong paraan ng paniningil ay malimit na nagdudulot ng mga problema gaya ng pagkawala ng trabaho, marital issues, at invasion ng privacy.

Kaya naman layon ng HB 8741 na ipagbawal ang mga abusive practices gaya ng pakikipag-usap sa ibang tao maliban sa may utang, pangha-harrass, o pang-aabuso. Gagawin ring iligal ng panukalang batas na ito ang paggamit ng false, deceptive, o misleading representation sa paniningil.