Maghanap na ng mga bagong ruta: Northbound Roxas Boulevard-EDSA flyover, pansamantalang isasara—DPWH

Heads up sa mga motorista! Pansamantala munang sarado ang northbound lane ng Roxas Boulevard-EDSA flyover sa Pasay City mula Disyembre 26 hanggang Disyembre 30 dahil sa mga gagawing installation work dito, kaya't mainam na humanap muna nang alternatibong ruta.

Nagpaalala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pansamantala munang isasara ang northbound lane ng Roxas Boulevard-EDSA flyover sa Pasay City mula Disyembre 26 hanggang Disyembre 30 dahil sa mga gagawing installation work dito.

Inanunsiyo ito ng DPWH-South Manila District Engineering Office (SMDEO) sa isang advisory sa social media.

Ayon sa SMDEO, ilalagay na nito ang dalawa pang expansion joints sa nasabing bahagi ng Roxas Boulevard EDSA Flyover upang matakpan ang mga nasirang bahagi ng northbound lane.

Kaugnay niyan, inabisuhan ng ahensiya ang mga motorista na maaaring magsikip ang trapik sa naturang bahagi, kaya’t mainam na humanap na lamang ng mga alternatibong dadaanan.

Tiniyak naman ng DPWH na matatapos ang nasabing installation sa itinakdang araw.