Maggie Wilson halos 2 taon nang nawalay sa anak

Matinding pangungulila ang nararamdaman ni Maggie Wilson dahil halos dalawang taon na niyang hindi nakikita ang kanyang anak na si Connor.

Matinding pangungulila ang nararamdaman ni Maggie Wilson dahil halos dalawang taon na niyang hindi nakikita ang kanyang anak na si Connor.

Ibinahagi ni Maggie sa Instagram ang larawan nila ni Connor na kuha pa noong Mother’s Day taong 2022.

Ayon kay Maggie, halos lahat ng okasyon ay hindi na niya nakakasama ang kanyang anak.

“It’s been almost two years since I last held him and 494 days since we last spoke. I’ve missed 2 birthdays, 2 Christmas’, 2 New Year’s celebrations and countless milestones,” saad ni Maggie.

“There is nothing more painful than the loss of a child who I know is growing up without me,” aniya pa.

Binunagy din ni Maggie na kaya hindi na siya madalas mag-post tungkol kay Connor ay dahil sa protection order na natanggap niya na pinipigilan siyang mag-share ng larawan at video ng kanyang anak sa social media.

Gayunpaman, ayon kay Maggie ay hindi mawawala ang kanyang papel bilang nanay sa anak nila ni Victor Consunji.

“I am a mother but I have been robbed of being able to be a mother. Nonetheless, I will always be his mommy and that is something no one, not even time can erase,” saad ng dating beauty queen.

“You are always with me Connor. Forever in my heart, in my mind, and my prayers,” aniya pa.

Nakuha ni Victor ang kustodiya para sa anak nila ni Maggie matapos silang maghiwalay noong 2021.