Magbuo kayo sariling partido! PDP, patuloy ang gusot

Ikinalulungkot ng ilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na tanggalin ang Lakas ng Bayan (Laban) bilang bahagi ng kanilang pangalan.

Ikinalulungkot ng ilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na tanggalin ang Lakas ng Bayan (Laban) bilang bahagi ng kanilang pangalan.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, nabanggit umano sa kanilang isinagawang national council meeting noong Abril 19 na tanggalin na ang naturang pangalan.

Ayon kay Pimentel, balak ding palitan ang symbolisms ng PDP, maging ang pago-oath ng kaliwang kamay ay gagawin na nilang kanang kamay.

“Nakakalungkot na pinag-awayan pa namin iyong partido tapos ganon lang pala yung kanilang plano na palitan ang pangalan, palitan ang symbolisms, pati iyong pago-oath ng kaliwang kamay, gagawin na nilang kanang kamay, even iyong party handshake namin using the left hand I’m sure papalitan na rin nila iyon,” pahayag ni Pimentel nitong Lunes, Abril 22.

Suhestiyon nito, kung balak naman umano nilang baguhin ang lahat ay bakit hindi na lang bumuo ang mga ito ng bagong samahan. Aniya, sa paraang ito ay walang masasaktan na kapartido.

“So, ang akin lang pakiramdam e kung gusto rin naman pala nila ng ibang partido, kasi binago nila lahat e, ba’t hindi na lang sila nagbuo ng sarili nilang partido, hindi naman bawal iyon? Wala pang masasaktan, wala pang aangal,” saad ni Pimentel.

Sa huli, sinabi rin ni Pimentel na ang mga politica party ay binubuo ng ng mga taong may parehong pananaw para sa iisang layunin.

“Causa is an idea. You can never kill an idea. So kahit baguhin pa naman iyong pangalan ng partido nila, iyong tunay na PDP-Laban iyong mga original at yung tunay naniniwala ay tuloy-tuloy pa rin po kaming magsasama-sama, at tuloy-tuloy pa rin kami sa pag-advocate sa pagpapaliwanag ng pinaniniwalaan ng PDP-Laban,” dagdag pa nito.