Magbubuko arestado sa ‘paggalaw’ sa sariling anak

Arestado ang isang magbubuko sa Cebu matapos itong isumbong ng panggagahasa ng kanyang 14-anyos na anak.

Arestado ang isang magbubuko sa Cebu matapos itong isumbong ng panggagahasa ng kanyang 14-anyos na anak.

Lumabas sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk ng Argao, Cebu Police Station na dalawang beses umanong hinalay ang dalagita sa kanilang tahanan.

Nangyari umano ang pang-aabuso noong April 14 habang natutulog ang biktima, at nasundan agad ito kinabukasan.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang half-sister, na pinagbigay-alam nila sa kanilang lola.

Doon na inalerto ang barangay tungkol sa krimen at agad na dinakip ng pulisya ang suspek nitong Lunes.

Nahaharap sa kasong incestuous rape ang 49-anyos na suspek.