Magbayad ng tama para walang abala! Mga magtatrabaho sa holiday season, dapat makuha ang tamang kwenta sa sahod — DOLE

Sa ilalim ng Labor Advisory No. 26, series of 2023, regular holiday ang Pasko (Disyembre 25) at Rizal Day (Disyembre 30). Samantala, special non-working holiday naman ang Disyembre 31 sa ilalim ng Proclamation No. 90 at ang Disyembre 26 sa ilalim ng Proclamation 425.

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng private sector employers na paswelduhin ng tama ang mga empleyado sa mga regular at special non-working holidays ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa ilalim ng Labor Advisory No. 26, series of 2023, regular holiday ang Pasko (Disyembre 25) at Rizal Day (Disyembre 30). Samantala, special non-working holiday naman ang Disyembre 31 sa ilalim ng Proclamation No. 90 at ang Disyembre 26 sa ilalim ng Proclamation 425.

BASAHIN RIN: Mahaba-habang selebrasyon ng Pasko ito: PBBM, dineklarang non-working holiday ang Disyembre 26

Kung hindi papasok ang mga empleyado sa mga nasabing araw, dapat pa ring bayaran ang 100% ng kanilang sweldo, ayon sa DOLE.

Kung papasok naman sila sa regular holiday, double pay dapat, o babayaran sila ng 200% ng kanilang sweldo.

Kung special non-working holiday naman ang papasukan ng mga empleyado, dapat bigyan sila ng karagdagang 30% ng kanilang sahod, or 130% ng kanilang arawang sweldo.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga pribadong kumpanya sa DOLE para sa mga patuntunan sa tamang pasahod.