Magbayad na kayo ng tama! BIR sa mga content creator, influencer: Alam namin ang kinikita niyo kaya wag nang itago sa amin ang tamang halaga!

May babala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga content creator at social media influencers: Magbayad kayo ng tamang buwis dahil malalaman at malalaman rin ng ahensya ang totoong kinikita ng mga ito.

“If others think they can hide it, they’re mistaken. We have mechanisms in place to obtain information from these entities about their revenues, so we can access that data,” sabi ni Lumagui BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa mga mamamahayag nitong Miyerkules, Enero 24.

Itinatalagang self-employed ng BIR ang mga social media influencers at content creators, na kumikita mula sa kanilang mga post sa Facebook, YouTube, Instagram, TikTok, at iba pa.

Noong 2021 ay sinimulan na ng BIR ang isang kampanya upang makolekta sa mga ito ang tamang buwis, lalo pa’t napaulat na may mga hindi nagbabayad ng tama sa ahensiya kahit pa malaki ang kinikita.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2021, dapat magbayad ng income at business tax obligations ang mga content creator at social media influencers.