Magbagong buhay na kayo! Mga rebeldeng komunista, hinimok na sumuko na sa gobyerno ng NTF-ELCAC

Hinikayat ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga rebeldeng komunista na sumailalim na sa programang amnestiya ng gobyerno na isang pagkakataon para magbagong buhay, at tumulong sa pagbuo ng isang mapayapa at progresibong Pilipinas.

Sinabi ni NTF-ELCAC Director Jose Descallar na pagkakataon ng mga komunistang rebelde para ilatag ng mga rebelde ang kanilang armas at magbalik-loob sa gobyerno

Sa kanyang panawagan, pinunto ni Descallar na ang halos limang dekadang rebelyon ng komunista ay nagdulot lamang ng paghihirap at kamatayan sa mga Pilipino

“Nagsasayang ang ating ekonomiya, maraming magulang, maraming pamilya ang nasira, naantala ang ating pag-unlad. Ang komunismo ay tinakwil na ho ng mundo. It is a failed social experiment. It did not work in the Soviet bloc, China took the… it’s a failed social experiment wala nang saysay po ang komunismo,” aniya.

Dagdag pa ni Descallar, “Nandito po ang ating pamahalaan. Nandito po ang ating mga mamamayan. Nandito po ang mga pamilyang Pilipino na sana bitawan ninyo na inyong mga armas.

“Sumama kayo sa pagtatayo ng isang mapayapa, matatag, maginhawang bayang Pilipinas, isang bagong Pilipinas na kung saan tayong lahat nagkakaisa, nagtutulungan para ibangon ang ating bayan,” giit ng opisyal.

Ayon rin sa kanya, nananalo ang pamahalaan laban sa rebeldeng komunista, at inaasahan nito ang isang estratehikong tagumpay sa lalong madaling panahon.