Magbabantay na! PCG, nagpadala ng barko sa Batanes, Philippine Rise

Ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang barkong BRP Gabriela Silang sa Batanes at Philippine Rise para sa isang 2-week mission.

Ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang barkong BRP Gabriela Silang sa Batanes at Philippine Rise para sa isang 2-week mission.

Kasunod ito ng napabalitang presensya ng Chinese research vessels sa Philippine Rise o mas kilala sa tawag na Benham Rise na nasa silangan ng Luzon.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang BRP Gabriela Silang ay magpa-patrol upang palakasin ang presensya ng Pilipinas sa naturang teritoryo at bantayan ang mga Pilipinong mangingisda.

“We will also check the reported Chinese research vessels in Benham Rise,” dagdag pa ni Balilo.

Samantala, nakahanda naman mag-asiste ang Coast Guard Aviation Force sa misyon.

Kamakailan ay iniulat ng isang American maritime expert na may dalawang Chinese research vessels na umano’y gumagala sa Philippine Rise na parte ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.