Magayon Festival sa Albay inilarga na

Nagsimula na nitong Miyerkoles ang isang buwang pagdiriwang ng Magayon Festival sa Albay.

Nagsimula na nitong Miyerkoles ang isang buwang pagdiriwang ng Magayon Festival sa Albay.

Ayon kay Fr. Joseph Salando ng Nuestra Señora de Salvacion parish sa bayan ng Tiwi, ang aktibidad ay pinamagatang “Inang Magayon: Trilogy of Faith,” kung saan ipinagdiriwang ang kagandahan ng Bulkang Mayon.

“And with this kind of event, we are also understanding the beauty [of] and enriching our strong devotion to ‘Ina’ as we seek her refuge for more than 200 years already,” saad ni Salando sa panayam ng Inquirer.

‘Ina’ ang tawag ng mga Bikolano kay Birheng Maria.

Bumida sa pagbubukas ng kapistahan ang prusisyon ng Inang Magayon, na pinagbidahan ng 12 bangka na naglayag mula Tiwi hanggang Legazpi City. Tumagal ng pitong oras ang prusisyon sa dagat.

Sa panayam kay Albay provincial tourism officer Dorothy Colle, tiwala ito na ang naturang aktibidad ay hahatak ng mga turista sa kanilang lalawigan.

“That is to encourage, invite more tourists through the pilgrims or those who believe in Our Lady of Salvation. They come here if they would like to pay respect [to the Marian image]. And since they are here, they are considered tourists. There are more tourists, therefore there are more jobs here,” aniya.