Magandang bentahan ng kandila at ibat-ibang memorabilia, Ikinatuwa ng mga nagtitinda sa Metropolitan Cathedral

Muling sumigla ang bentahan ng kandila at iba pang memorabilia sa paligid ng Naga Metropolitan Cathedral sa Naga City kasabay ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.

NAGA CITY- Ikinatuwa ng mga nagtitinda sa Metropolitan Cathedral sa Lungsod ng Naga ang magandang bentahan ng kandila at ng ibat-ibang memorabilia.

Ayon kay Victoria Paloma isa sa mga nagtitinda ng kandila sa compound ng simbahan, mula nang lumuwag ang health protocol sa COVID-19, unti-unti nilang naramdaman ang magandang kita lalo na ngayong ipinagdiriwang ang kapistahan ni Our Lady of Peñafrancia.

Tulad ni Paloma, ikinakatuwa rin ni Elvira Encinas ang malakas na bentahan ng mga paninda niyang memorabilya tulad ng replika ni Inang Peñafrancia at itim na Nazareno, pamaypay, rosary, rosary bracelet at iba pa.

Naniniwala rin sila na pagpapala rin ito sa kanila ni Our Lady of Peñafrancia.

Samantala, gaganapin naman sa September 16, 2023 ang Traslacion Foot Procession na magsisimula sa Naga Cathedral at magtatapos sa Reina Del Bicol Landing. Susundan naman ito ng Peñafrancia Fluvial Procession via Naga River na sisimulan naman sa Reina Del Bicol Landing papunta ng Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia.