‘Magaling mga senador natin!’ Romualdez tiwalang maaaprubahan Cha-cha

Inaasahan ng House of Representatives na maaaprubahan ang panukalang pagbabago sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Inaasahan ng House of Representatives na maaaprubahan ang panukalang pagbabago sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang ambush interview ngayon Biyernes na bagaman magiging malaking hamon ang pag-apruba sa Senate Resolution of Both Houses 6, naniniwala naman umano siya na kakayanin ng mga senador ang mga hamon na ito.

Naniniwala aniya siya na gagawin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang lahat upang makumbinse ang kanyang mga kasamahan na sumang-ayon sa mga pagbabago.

“Ako naniniwala sa liderato ng Senado lalo kay SP Migz Zubiri na kakayanin niya lahat at ikukumbinsi nya lahat ng mga kasamahan nya sa Senado,” saad nito.

“We understand the challenges pero the Senate has always lived up to the challenge. Magaling yung mga senador natin and I know that they know what’s good for the people,” ani Romualdez.

Layunin ng Kamara na ipasa ang panukalang ito sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-umpisa ang Lenten break para sa Semana Santa sa Marso 23.