Magagalit ang Señor Santo Niño d‘yan! Pagdiriwang ng Ati-Atihan sa Aklan, nauwi sa labu-labong suntukan

Batay sa mga ulat, nagsimula ang rambol ng dalawang grupo matapos silang magpalakasan ng palo ng tambol. Ilang sandali pa ay may mga nagkagirian na, at nauwi na ang komosyon sa isang riot.

Nauwi sa rambol ang wholesome na musical showdown sa pagitan ng dalawang grupo sa Kalibo, Aklan na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Ati-Atihan noong Huwebes ng gabi, Enero 18.

Batay sa mga ulat, nagsimula ang rambol ng dalawang grupo matapos silang magpalakasan ng palo ng tambol. Ilang sandali pa ay may mga nagkagirian na, at nauwi na ang komosyon sa isang riot.

“Nagpalakasan sila ng drums. Na-overcome ang isang grupo kaya ‘yon,” kwento ni Lt. Col. Ricky Bontogon, officer in charge ng Kalibo municipal police station.

Sapul sa mga kuha ng CCTV ang rambol ng dalawang grupo, kung saan nagkapalitan ng mga suntok at sipa ang mga miyembro nito. Mayroon ring batuhan ng mga instrumentong kahit pa may mga umaawat ng pulis.

Dalawang suspek ang inaresto ng mga pulis matapos ang riot. Giit ng isa, bagaman aminadong lasing, gumanti lamang siya nang suntukin ang kaniyang kaibigan, at dito na nagsimula ang gulo.