Mag-utol kalaboso sa P68-M halaga ng shabu

Timbog sa buy-bust operation ang dalawang lalaking magkapatid matapos mahulihan ng 10 kilo ng shabu sa Barangay Carreta, Cebu City ngayong Lunes.

Timbog sa buy-bust operation ang dalawang lalaking magkapatid matapos mahulihan ng 10 kilo ng shabu sa Barangay Carreta, Cebu City ngayong Lunes.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Jaime Auxtero Dajao, 47, at Roberto Auxtero Dajao, 53, mga residente ng Barangay Tanghalige, Talibon, Bohol.

Ayon sa ulat, maghahatid sana ang dalawa ng hinihinalang shabu sa iba pang parte ng Cebu. Sa gitna ng kanilang byahe ay nakipag-transaksyon sila sa isang parak na nagkunwaring kustomer. Dito na ikinasa ang pag-aresto sa mga suspek.

Napag-alaman din na si Jaime ay naaresto na noong 2020 matapos mahulihan ng apat na kilo ng shabu. Gayunman, siya ay pinalaya matapos ma-dismiss ng kaso.

Patuloy na pinag-aaralan ng pulisya kung paano naibyahe ng dalawa ang iligal na droga mula Bohol pa-Cebu.