Mag-live in partner, natagpuang patay sa kanilang tahanan sa Albay

Walang buhay nang natagpuan ang magka-live in partner sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 2, Brgy. Lacag sa Daraga, Albay.

Walang buhay nang natagpuan ang magka-live in partner sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 2, Brgy. Lacag sa Daraga, Albay.

Kinilala ng Daraga Municipal Police Station ang mga biktima na sina Gloria Lorena, 64, at Joel Millare, 59.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ng apo ni Gloria ang duguang katawan ng magkarelasyon sa tinitirhan nilang bahay.

Nang magtungo ang mga pulis sa bahay ay nakitang may bolo sa tabi ng isang biktima.

Sinusuri ng mga awtoridad kung posibleng dahil sa selos kaya nangyari ang krimen.

Ngunit batay sa mga kapitbahay ng mga biktima, wala silang narinig na away o napansing kahina-hinala sa bahay ng magkarelasyon.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.