Mag-asawang Romualdez umalalay sa na-rescue na 21 Pinoy seaman sa Red Sea

Nagpaabot ng tulong pinansyal ang mag-asawang sina Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez sa 21 Pinoy seaman na nakaligtas mula sa pag-atake ng Houthi rebels sa MV Tutor.

Nakatanggap ng P150,000 ang bawat seaman mula sa personal calamity funds ng mag-asawang Romualdez.

Si Tingog party-list Rep. Jude Acidre ang nanguna sa pamimigay ng cash aid sa mga naapektuhang marino.

“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Speaker Romualdez and his wife, Rep. Yedda Romualdez is working hard to provide relief and support to our seafarers,” ayon kay Acidre.

Samantala, nakahinga si Romualdez nang ligtas na makauwi ang mga Pinoy seaman matapos silang ma-rescue sa Red Sea.

“We are deeply relieved that our brave seafarers are coming home safe. This assistance is a token of our gratitude for their courage and resilience during this harrowing ordeal,” lahad ni Speaker.