Mag-asawang Romualdez namahagi ng bangka sa Navotas

Nagkaloob ng bangka sa mga mangingisda sa Navotas si House Speaker Martin Romualdez kasama ang Tingog party-list ni Rep. Yedda Marie Romualdez.

Nagkaloob ng bangka sa mga mangingisda sa Navotas si House Speaker Martin Romualdez kasama ang Tingog party-list ni Rep. Yedda Marie Romualdez.

Abot sa 50 mangingisda ang nabiyayaan ng bangka ng mag-asawang Romualdez, na mula sa sariling bulsa nila ang pinambili.

“Sa ating mga minamahal na mangingisda, kayo po ang tunay na yaman ng Navotas. Sa inyong patuloy na pagsusumikap sa araw-araw, asahan niyo na laging nakaagapay ang Tingog Partylist,” wika ni Rep. Yedda.

Ginanap ang pagbibigay ng bangka sa Navotas Sports Complex, na dinaluhan din nina Navotas Rep. Toby Tiangco, Mayor John Reyn Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez.

Bukod sa mga bangka, binigyan din ng ang abot sa libong mangingisda ng P5,000 ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.