Madulas! Pastor Quiboloy ‘di nahanap sa Davao City

Bigo ang pulisya na matunton ang kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City ngayong Miyerkoles.

Bigo ang pulisya na matunton ang kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City ngayong Miyerkoles.

Hinalughog ng mga awtoridad ang mga ari-arian ni Quiboloy sa Davao City at maging sa Island Garden City of Samal ngunit ‘di nila nakita ang pastor.

Ang paghahanap kay Quiboloy ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12. Ito’y dahil sa mga kasong child abuse at sexual abuse.

Sa kabila nito, tiniyak ng National Bureau of Investigation 11 (NBI 11) na itutuloy nila ang paghahanap kay Quiboloy, bagamat wala pa silang bagong impormasyon kung saan pwedeng magtago ang pastor.

Samantala, naaresto ang isa sa mga tauhan ni Quiboloy na si Cresente Canada. Si Canada ay akusado rin sa kasong child abuse. Ang dalawa pang kapwa akusado ni Quiboloy na sina Pauleen Canada at Sylvia Cemañes ay sumuko naman sa mga awtoridad.

Gayunman, nakapag-piyansa ang tatlo nitong Miyerkoles ng hapon.