Madugong drug war, ‘di aprub kay PBBM

Hindi aprub kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang madugong kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi aprub kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang madugong kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kanyang pakikipag-pulong kay German Chancellor Olaf Scholz, tinanong si Marcos kung ano ang pagkakaiba ng kanyang paglaban sa droga sa madugong kampanya ni ex-president Rodrigo Duterte.

“It’s a big problem, but our approach has changed significantly,” wika ni Marcos.

“I am diametrically opposed to handling the drug problem in that way, by confrontation, by violence, and it really requires so much, much deeper understanding of the problem and the much deeper solution. So, yes, I think that we are also progressing when it comes to that,” dugtong pa ng pangulo.

Ani Marcos, isa sa mga hakbang ng kanyang administrasyon ay ang pagsibak sa ilang mga pulis na may kaugnayan sa mga ilegal na gawain.

“We are starting to move them out, and some of them have already been tried and convicted, now in jail and serving their time. It’s a difficult problem because it’s the money involved is so much that it’s hard for the government to compete with the kind of money that’s been thrown around by the drug lords,” aniya.

Ang dating pangulong Duterte ay nakilala sa kanyang mabagsik na paglaban sa ilegal na droga. Humantong pa ito sa pagtatangka ng International Criminal Court na imbestigahan ang kanyang administrasyon.