Mabulok sana sila sa oblo! Mag-asawang nagbebenta ng malaswang larawan ng sariling mga anak, arestado sa Lanao del Norte

Ayon sa awtoridad, isang taon nang ibinebenta ng mag-asawa sa mga banyaga ang mga malalaswang larawan at video ng mga anak nito. Inaalok pa nga raw nila ang mga bata para makipagtalik kung nasa Pilipinas ang kliyente.

Arestado sa isang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation–Anti- Human Trafficking Division (NBI–AHTD) ang isang mag-asawa sa Lanao del Norte na diumano’y sinasangkot sa online kalaswaan ang sarili nitong mga anak.

Ayon sa NBI–AHTD, mahigit isang linggo na rin nitong tinitiktikan ang mag-asawa matapos makakuha ng tip tungkol sa kanilang masamang gawain.

Nang salakayin na ng mga awtoridad ang bahay na mag-asawa, tinaka pa raw itapon ng babae ang kaniyang cellphone, na
narekober pa rin kinalaunan.

Dagdag pa ng NBI–AHTD, isang taon nang ibinebenta ng mag-asawa sa mga banyaga ang mga malalaswang larawan at video ng mga anak nito. Inaalok pa nga raw nila ang mga bata para makipagtalik kung nasa Pilipinas ang kliyente, ayon kay Atty. Cath Nolasco, hepe ng NBI–AHTD.

“Actually in-offer pa nga nila na kung nandito ‘yung kausap nila online, mag-actual sex sila ng mga anak niya,” aniya.
Nasa edad lima at apat pa lamang ang mga bata, na ligtas na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

Sasampahan ng qualified human trafficking online, sexual abuse and exploitation, at paglabag sa anti-child abuse law ang mag-asawa.