Maayos, maganda: Romualdez hanga sa itatayong OFW lounge sa NAIA

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez si San Miguel CEO Ramon Ang para sa mas pinalaking disenyo ng inaasahang Overseas Filipino Workers Lounge sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez si San Miguel CEO Ramon Ang para sa mas pinalaking disenyo ng inaasahang Overseas Filipino Workers Lounge sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nitong Martes ay ipinakita ni Terminal 3 General Manager Eric Jose Ines ang rendisyon ng naturang proyekto.

Ani Romualdez, malaking tulong ang bagong disenyo para sa pagbibigay nito ng mas malaki at maayos na espasyo para sa OFW lounge.

Inaasaha kasing makakapag-accommodate ito ng 200 pasahero at inaasam naman na maging operational na ang lounge sa katapusan ng Hunyo.

“Dito sa T3 nakikita natin itong original envisioned OFW lounge kagaya sa Terminal 1. Napakaganda nun pero punong-puno na. Dito naman sa T3 kasi mas maraming pasahero ang darating dito we are very grateful to Mr. Ramon Ang and Mam Cecille (Ang’s daughter) for accommodating not only the OFW lounge here but they want to accommodate a larger space that’s almost double the area,” wika ni Romualdez.

“Mas malaki pa ang gustong ibigay, naliliitan sila sa unang plano sa request. So talagang nakikita natin na mas magiging maayos at maganda ang operation dito sa NAIA,” pahayag pa nito.