Maagang Pamasko: PBBM, First Lady Marcos, namigay ng regalo sa higit 17K na mga bata

Malugod na tinanggap ng First Couple ang higit 1,000 na mga bata sa Malacañang para sa “Balik Sigla, Bigay Saya.”

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamimigay ng maagang Pamasko sa hight 17,000 na mga bata galing sa orphan care centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Malacañang na malugod na tinanggap ng First Couple ang higit 1,000 na mga bata sa Malacañang para sa “Balik Sigla, Bigay Saya.”

“Alam niyo noong kasing tanda ko lang kayo, maliit din ako noon, ‘yung tatay ko siya ang presidente rito. Kaya bawat Pasko, ganito ang aming ginagawa dito,” sabi ni Marcos sa kaniyang talumpati.

BASAHIN RIN: May mensahe ang pangulo: Bigyang-oras ang pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay ngayong Pasko—PBBM

Namigay rin ang pamahalaan ng mga regalo sa mga bata sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, Jollibee, at San Miguel Corporation.

Muli rin pinaalala ng pangulo na para sa bata ang Kapaskuhan.

“At alam naman natin—we all know that Christmas is really about the children. And we always have a merry Christmas when the children have a good Christmas. Na makita natin ang inyong mga ngiti, na kayo naman ay ‘pag sinabing merry Christmas ay may kabuluhan,” saad pa ni Marcos.